top of page
Pokwang.jpg

“Pork Barrel” ng mga cong., pera na, naging bato pa!

Pabs Hernandez III
Sep 30, 2019
2 min read

KAPAG UMENTRA NA SI P-DUTERTE, MURA ANG AABUTIN NG MGA U.S. SENATOR — Sa ngayon, ang mga ka­alyado pa lang ni P-Du­terte ang bumabanat sa mga U.S. senator na nagpa-banned sa mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa pagpapa­kulong kay Sen. Leila de Lima.

At kapag umentra na si P-Duterte sa isyung ito, asa­han nang makatitikim ng mga malulutong na mura ang mga senador ng Tate, abangan!

◘◘◘

PAGBUSISI NI SEN. LACSON SA ‘PORK BAR­REL’, BAD NEWS SA TROPANG CAYETA­NO — Matapos ibulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na si Speaker Alan Peter Cayetano ang “utak” sa bil­yones na “pork barrel” na isiningit sa 2020 National Budget ay tiniyak ng sena­dor na bubusisiin niya itong mabuti upang hindi magta­gumpay ang mga kongresista sa kanilang maitim na balak na pagparte-partehan ang pera ng bayan.

Bad news sa tropang Cayetano ang sinabing ‘yan ni Sen. Lacson kasi tila sisi­guruhin ng senador na wala nang maisusubing “pork barrel” ang mga “buwaya”, boom!

◘◘◘

KUNG MAHALAGA KAY SEN. “BONG” GO ANG KALUSUGAN NG MAMAMAYAN, ANG MGA CONG., WALANG PAKIALAM — Maha­laga kay Sen. Christopher “Bong” Go ang kalusugan ng ma­mamayan kaya ang nais niya ay magkaroon ng Malasakit Center ang mga public hos­pital sa bansa, pero ang mga kongresista, walang paki­alam kasi kinaltasan nila ng P16.6 bilyon ang badyet ng Department of Health (DOH) sa 2020.

Hindi nagustuhan ni Sen. Go ang ginawang ‘yan ng mga kongresista kaya ang promise niya sa publiko, ipa­babalik niya ang ibinawas at padaragdagan pa ang badyet ng DOH.

Buti na lang naging se­nador si Sen. Go kasi may su­supalpal na sa mga puliti­kong walang pakialam sa ka­lusugan ng mamamayan, period!

◘◘◘

SI “MINERVA” NA ALYAS PAIHI QUEEN NG CALABARZON, “TOKHANGIN” NA —Isang “Minerva” raw ang may kontrol ng sindikatong “Paihi” o oil pilferage sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Bigtime pala ito kasi sa buong CALABARZON, siya ang may kontrol ng sin­dikatong ito.

Kailan kaya ipatotok­hang ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang “Paihi Queen” na ito? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page