Taxi operator at driver, todas sa riding-in-tandem
- Vyne Reyes
- Sep 29, 2019
- 1 min read

Utas ang isang taxi operator, gayundin ang isang drayber matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Payatas, Quezon City.
Kinilala ni Lt. Col. Joel Villanueva, ang mga biktima na sina Jordan So, 45, taxi operator ng Quad Core at Roger Soquita, applicant taxi driver at residente ng nabanggit na barangay.
Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang dalawa sa St. Joseph Street bandang alas-8:00 ng umaga ng Sabado nang puntiryahin sila ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.
Dead-on-the-spot sina So at Soquita habang tumakas naman ang mga suspek na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.
Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo at nasa likod ng krimen.





Comments