top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sundalo tepok, 1 sugatan sa ambush

Pabs Hernandez III
Sep 29, 2019
1 min read

MOUNTAIN PROVINCE — Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang napatay at isa pa ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Aguid, Sagada.

Ang nasawing sundalo ay si Cpl. Jordan Manawa, samantalang, ang sugatan ay si Pvt. Melvin Modes, kapwa nakatalaga sa 50th Infantry Battalion ng PA sa nasabing lalawigan.

Batay sa imbestigasyon, nagpapatrulya ang mga sundalo nang bigla silang pagbabarilin ng mga rebelde na naging dahilan kaya napatay si Manawa at nasugatan si Modes.

Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang iba pang sundalo kaya napaatras at tumakas ang mga rebelde.

Patuloy ang pagtugis ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng nakapatay kay Manawa at nakasugat kay Modes.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page