top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Natalo ang kalabang ahas sa panaginip, ikayayaman kung ido-drawing at ibebenta

Socrates Magnus
Sep 29, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Enihpesoi ng Enihpesoi@Danaga@ facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako ng itim na ahas at bilog ‘yung ulo pero manipis ang pagkakabilog. Habang nakahiga ako, akmang tutuklawin niya ako pero nahawakan ko ‘yung ulo niya at nagpambuno kami hanggang sa nabali ko ‘yung leeg niya at namatay siya. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Enihpesoi

Sa iyo, Enihpesoi, Mula noon hanggang ngayon, nagaganap ang tunggalian ng mabuti at masama. Kumbaga, palaging naglalaban ang puwersa ng mabuti at masama. Ang simbolo ng masama ay ahas at ang kalaban ng ahas ay ang tao na simbolo ng mabuti.

Hindi basta-basta nangyayari ang katotohanang ito dahil ito ay may malalim na dahilan. Balikan natin ang nasabing dahilan ng paglalaban ng masama at mabuti.

Nilikha ni God ang lahat ng bagay at sinabi Niya sa tao, “have power and dominion” at “subdue the earth,” narinig ng ahas ang malakas na orasyon na ito ni God.

Dahil nainggit ang ahas sa tao, mula noon ay wala na itong ginawa kundi ang pabagsakin ang tao. Ayaw maniwala ng ahas na ang tao ay higit na makapangyarihan kaysa sa kanya. Dahil dito, wala nang inisip ang ahas kundi ang pagmukhaing masama ang tao nang sa gayun ay mawala sa kanila ang bendisyon ni God.

Ang napanaginipan mo ay paglalarawan ng “victory of good over evil”. Kaya, masasabing mapalad ka at ikaw ay papalarin pa dahil ang ahas o ang masama ay hindi mananaig sa iyo kahit kailan.

Alam mo, iha, may isa pang laman ang kasaysayan ng sanlibutan o ng tao at mundo, ito ay ang marami sa mga dalubhasang manlililok o mang-uukit ng bato at kahoy ang kinilala sa kanilang obra-maestra kung saan ang kanilang sining ay napanaginipan mo na hawak ng babae ang ulo ng ahas na duguan at talunan.

Mahirap maging manlililok, pero madaling mag-drawing kaya bakit hindi ka kumuha ng lapis at simulan mong ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang iyong napanaginipan? Ilagay mo sa frame at isabit sa dingding at siguradong kikilalanin ka sa larangan ng sining.

Gawin mo ito nang dalawang beses o higit pa dahil puwedeng ito ang magpapayaman sa iyo. Kumbaga, i-reproduce mo ang panaginip mo at matutuwa ka dahil ang mga panaginip ay puwedeng pagkakitaan.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page