top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga botante, tinanggalan ng “K” bumoto; pondo, inilaan sa “Pork Barrel” ng mga Cong.

  • Pabs Hernandez III
  • Sep 29, 2019
  • 2 min read

KAPAG NATULOY ANG P700 MILYON HANGGANG P1.5 BILYONG “PORK BARREL”, PARANG TUMAMA SA LOTTO ANG TROPANG CAYETANO — Mabuti na lang at nabulgar agad ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang isiningit umanong tig-P700 milyon “pork barrel” para sa mga kongresista at tig-P1.5 bilyong “pork barrel” naman sa 22 deputy Speakers sa 2020 National Budget kaya ang maitim na balak ng tropa ni Speaker Alan Peter Cayetano sa pera ng bayan ay naunsiyami.

Mantakin ninyo kung hindi ito ibinulgar, aba, parang tumama ng jackpot sa lotto ang mga kapalmuks na cong., mga pwe!

***

PONDONG PAM-BARANGAY AT SK ELECTIONS, GINAWANG PAM-“PROJECTS” — Sabi ni Speaker Cayetano na kaya raw nila inaprubahan ang postponement ng Barangay at SK Elections ay para umano magamit sa proyekto ng gobyerno ang pondo rito.

Ito pala ang dahilan kaya inalisan ng Senado at Kamara ng karapatan ang mamamayan na makapamili ng mga nais nilang manungkulan sa kanilang barangay para ang pondong pang-halalan ay mapunta sa “projects” ng mga bulok na pulitiko, buwisit!

***

KASAMA KAYA ANG PANGALAN NI SEN. SOTTO SA MGA IPINA-BANNED SA TATE KAYA MATINDI ANG GALIT NIYA SA MGA U.S. SENATOR? — “Mga pakialamero!” ‘Yan ang umuusok sa galit na sinabi ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III tungkol sa mga U.S. senator na nagpanukalang i-banned sa U.S. ang mga Philippine gov’t. official na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Baka nakasama ang pangalan ni Sen. Sotto sa mga pinagbawalang pumasok sa Tate kaya ganyan katindi ang galit niya sa mga Kanong senador, he-he-he!

***

PMA, MALA-IMPIYERNO NA? —Ayon kay Baguio City Police Director Col. Allen Rai Co ay mala-impiyernong hazing daw ang sinapit ni Cadet Darwin Dormitorio kaya namatay ito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Kumbaga, parang sinabi na rin nitong mistulang impiyerno na ang PMA dahil ang hazing dito ay nakamamatay, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page