Kasunod ng P2.35 dagdag-presyo.. P1.70 rollback sa gas

Nakatakdang magpatupad ng bawas-presyo sa petrolyo sa pagpasok ng Oktubre.
Tinatayang nasa P1.60 hanggang P1.70 kada litro ang posibleng rollback sa gasolina, P0.60 hanggang P0.70 sa diesel habang P0.90 hanggang P1.00 naman sa kerosene.
Ayon sa mga taga-industriya, kaugnay ito sa pangako ng Saudi Arabia na babalik na sa normal ang kanilang produksiyon matapos ang pambobomba sa oil facilities doon noong Setyembre 14.
Matatandaang, sumirit sa P2.35 ang nadagdag sa presyo sa kada litro ng gasolina, P1.80 sa diesel at P1.75 sa kerosene.





Comments