top of page

Dapat gawin kung nakalimutan ang user ID at password sa My.SSS

  • Buti Na Lang May SSS
  • Sep 29, 2019
  • 2 min read

BUTI NA LANG MAY SSS

Dear SSS, Magandang araw! Ano ang gagawin ko kapag nakalimutan ko ang password ko sa aking account sa My.SSS? — Shiela ng Caloocan City

Sagot Kung nakalimutan ng miyembro ang kanyang password o user ID, simple lamang ang kailangang gawin. Magtungo sa My.SSS portal, makikita sa “Member Login/Employer Login” ang “Forgot User ID or Password” at i-click ito.

Lalabas ang “Forgot User ID/Password?” at ilagay sa bahagi ng “CRN/SS Number” ang inyong Common Reference Number (CRN) na matatagpuan sa iyong UMID card o ipasok mo ang inyong Social Security number. Pagkatapos ay i-click ang “submit” button. Ipadadala ang inyong user ID at password sa inyong email address na inyong ginamit noong kayo ay magrehistro sa My.SSS.

Kaya, dapat aktibo pa rin ang email address mo na inirehistro mo sa My.SSS.

Subalit, kapag hindi na aktibo ang email address o hindi na ito ma-access, kinakailangang mag-email sa onlineserviceassistance@sss.gov.ph para humingi ng tulong na mai-reset ang iyong user ID o password sa iyong My.SSS account.

Maaari rin kayong bumisita sa e-services counter sa pinakamalapit na sangay ng SSS para matulungan ka sa pagri-reset ng iyong user ID o password. Nawa’y nasagot namin ang inyong katanungan.

***

Dear SSS, Hi, SSS! Paano ko matse-check ang contributions ko sa My.SSS? —Anna ng Barrio Obrero, Quezon City

Sagot Bilang tugon sa iyong katanungan, mag-log in sa iyong My.SSS account gamit ang inyong user ID at password na inirehistro sa SSS at i-click ang “login.” Sunod, pumunta sa “e-services” menu at i-click ang “inquiry.”

Dadalhin kayo nito sa “member inquiry” page kung saan makikita ang inyong impormasyon bilang miyembro ng SSS.

Sa “member inquiry” page, piliin ang “member info” at i-click ang “actual premiums.” Lilitaw ang Contributions - Actual Premiums kung saan makikita ninyo ang lahat ng iyong naihulog na buwanang kontribusyon mula sa taon na naging miyembro kayo ng SSS hanggang sa pinakahuling naihulog.

Makikita rin ninyo kung aling mga buwan ang walang naka-post na kontribusyon, kung mayroon man.

Ito ay maaaring nangyari dahil sa wala kayong trabaho sa mga buwan na iyon o hindi nai-remit ng inyong employer ang inyong kontribusyon.

Dahil dito, mababantayan ninyo kung naihuhulog ba ng tama ang inyong kontribusyon.

Dapat tandaan na ang bilang ng naihulog na kontribusyon ay isa sa mga batayan sa pagbibigay ng benepisyo sa SSS.

Nawa’y nasagot namin ang inyong katanungan.

***

Nais naming ipaalam sa aming mga retiree pensioner na bukas ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang pangangailangang pampinansiyal.

Inaanyayahan ang mga pensiyunado na nais mag-avail ng Pension Loan Program na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.

***

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa SSS o mayroon kayong topic na nais matalakay sa kolum na ito, maaari ninyo kaming i-email sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Para sa inyong mga katanungan at problema, sumulat sa BUTI NA LANG MAY SSS, at BULGAR BLDG, 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa "sss.bulgar@gmail.com". Puwede ring magdala ng personal ng mensahe sa ating Facebook page: https://www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL

1 Comment


felix posos jr.
felix posos jr.
Feb 21, 2023

Paano po ba ma open ang User id at password ng SSS .. dipo kasi ma open hindi naman namin binago

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page