Bagyong Onyok, lumakas pa

Lumakas pa ang Bagyong Onyok na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa Bicol at Eastern Visayas sa mga susunod na araw.
Ayon sa PAGASA, dapat mag-ingat ang mga residente sa apektadong mga lugar sa posibleng pagbaha at pagguho.
Bagama’t, hindi na inaasahang tatama sa kalupaan ang nasabing bagyo, posibleng lumakas pa ito bilang severe tropical storm.
Alas-10:00 kahapon ng umaga nang huling mamataan ang mata ng bagyo sa 870 kilometro ng silangan-hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ang Bagyong Onyok sa bilis na 35 kilometro kada oras patungong kanluran-hilagang-kanluran.
Samantala, sa Martes inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang nasabing bagyo.





Comments