Akala mo lang masarap dahil hawak mo ang oras mo... Mga problema sa Freelance Jobs
- Jersy Sanchez
- Sep 29, 2019
- 2 min read

Sa panahon ngayon, usung-uso na ang freelance working dahil hindi na kailangang makipagbakbakan sa trapik araw-araw, gayundin, flexible ang oras mo. Gayunman, sa kabila ng mga ‘perks’ na ito, may mga dahilan pa rin kaya ang hinihiling ng ilang freelance workers ay sana, nag-full-time worker na lang sila.
Kung ikaw ay nagbabalak sumabak sa mundo ng freelancing, narito ang karaniwang problema na kinahaharap ng freelance workers:
1. JOB INSTABILITY. Ang freelance job ay contract-based. Kumbaga, kapag tapos na ang project, hindi ka makasisigurado kung iri-renew ng kliyente ang kontrata ninyo. Kung minsan, suwertehan lang kung regular kang kukunin ng employer mo sa bawat project. Pasok din dito ang “one-time, big-time” set-up kung saan ang kita ay malaki, pero hindi mo alam kung kailan ulit ito mangyayari. ‘Yun lang!
2. VOLUNTARY INSURANCE. Isa sa mga magandang benepisyo ng pagiging regular na empleyado ay pagma-manage ng kumpanya sa benefits at contributions tulad ng SSS, Pag-Ibig at PhilHealth. Gayunman, ang mga freelancer ay wala nito kaya sila mismo ang dapat mag-asikaso ng ganitong bagay. Kung ikaw ay freelancer, mabuting mag-invest sa HMO dahil siguradong mapakikinabangan n’yo ito. Huwag isakripisyo ang kalusugan, beshy!
3. MASYADONG MALAYA. Ang mga freelance worker ay prone sa mga distraction tulad ng pagkain, music at higit sa lahat, ang kama. Naku! Gayundin, walang boss na nagbabantay sa kanilang trabaho. Dahil dito, kadalasang nauuwi sa procrastination o ‘mañana habit’ at minsan, eh, hindi maganda ang kalidad ng trabaho dahil minadali.
4. INTERNET CONNECTION. Ito ang problema ng karamihan, hindi lang ng freelance workers. Base sa datos, ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamababang internet speed. Para sa freelance workers, napakahalaga ng internet connection dahil halos dito umiikot ang kanilang trabaho mula sa pakikipag-usap sa email, virtual meeting at marami pang iba.
5. DELAYED PAYMENTS. Tulad ng nabanggit, minsan ay suwertehan lang sa industriyang ito. Bagama’t, malaki ang kinikita nila, minsan ay hindi sila nababayaran sa petsa na napag-usapan. At hindi ito basta delay lang, ha, minsan ay inaabot din ito nang linggo at buwan. Hays!
6. WORKING ON HOLIDAYS. Ang working hours ng karamihan sa freelancers ay nakabase sa kanilang employer abroad. Dahil kailangan nila itong sundin, hindi sila makapagpapahinga tuwing local holidays. Awww!
Relate ka ba, beshy? Totoo na walang madaling trabaho at hindi maiiwasang magkaproblema tayo.
Kaya para sa mga nagpaplanong mag-freelancer diyan, take note sa mga nabanggit, ha?
Gayundin, make sure na ibabahagi n’yo ito sa iba. Copy?




Comments