5 NPA, takot mapatay, sumuko na
- Pabs Hernandez III
- Sep 29, 2019
- 1 min read
SULTAN KUDARAT — Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) na takot mapatay ng tropa ng pamahalaan ang sumuko kamakalawa sa headquarters ng Philippine National Police Provincial office sa Isulan.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA para sa kanilang seguridad.
Sinabi ng mga sumukong NPA na dahil sa matinding kampanya ng gobyerno laban sa mga rebelde ay natakot silang mapatay sa engkuwentro ng tropa ng pamahalaan kaya nagpasya silang magbalik-loob na.
Isinasailalim na sa tactical interrogation ang mga sumukong rebelde.





Comments