top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sopla sa mga netizens… Angelica, todo-reklamo sa traffic wala namang maisip na solusyon

  • Beth Gelena
  • Sep 28, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Isa lang si Angelica Panganiban sa mga celebrities na namo­mroblema sa traffic. Katunayan, may mga tanong ang Kapamilya actress na naka-post sa kanyang Twitter account.

Ani Angelica, “Ques­tion… tatang­gapin na lang ba na­tin ang sistema ng traffic sa bansa natin?

“So, ‘yung buhay natin, kalahating na­ubos sa kotse, kala­hating stressed?

“Tapos walang care ‘yung government? Naglalakad na lang ba sila papuntang work? Or naka­lilipad sila nang hindi natin alam?”

Walang napalang matinong sagot sa social media ang aktres, instead, sinabihan pa siyang “Buti ka nga, may kotse, eh, ano pa kaya ‘yung nakikipag-unahan at sik­sikan sa jeep at bus?”

“Will you people please shut up with your ‘Buti ka nga may sasakyan, sila nagko-commute lang’ line? Sobra naman na kasi, hindi na makatarungan, kahit sino, mag­rereklamo talaga. At hindi porke’t may sa­sakyan, bawal na mag-vent ‘noh! Buti sa­na kung nakakalipad ‘yung mga naka-private cars, eh, same rin naman na stuck sila in traffic. Duh!” pagtatanggol naman kay Angelica.

Ang ibang netizens ay nagsasabing sana raw ay nag-suggest na lang si Angelica kung papaano huhupa ang traffic tulad ng ginawa ni Regine Velasquez.

Well, may kotse man o wala, lahat ay biktima ng traffic.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page