International competitions, target ng LACUAA champions

Isasabak ang mga basketball champions at iba pang kampeon sa event sa ilang international competitions tulad ng unang paglahok sa Malaysia at Thailand ng mga aangkin ng titulo sa 2019 Laguna Colleges and Universities Athletic Association (LACUAA).
Idinaos kahapon ang opening ceremony ng torneo sa Dominican College gym sa Sta. Rosa City, Laguna. Ito ang naging pagtiyak ni LACUAA president Arnaldo M. Dilig ng San Sebastian College-Canlubang at iba pang opisyal sa pagdalo sa 41st TOPS “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros kahapon ng umaga.
“Maganda ang kinabukasan para sa LACUAA, na ngayon ay magsisimula ng ika-7th season,” pahayag ni Dilig sa naturang weekly public service program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association.
Idinugtong pa ni Dilig na may dalawang bagong team ang liga. Ang Dominican College, na magsisilbing host at Christ the King School ng Cabuyao. Sa kabuuan, may 11 member-teams ang lumahok sa Laguna-based na kumpetisyon.
Tiniyak naman nina LACUAA VP Richard Penaranda at secgen Bernard Bergania na magiging maganda ang patakbo ng liga sa tulong ng Federation of School Sports Associations of the Philippines (FESSAP) at Basketball Association of the Philippines (BAP).





Comments