top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gov't. officials na nagpakulong kay Sen. De Lima, banned sa U.S.

Pabs Hernandez III
Sep 28, 2019
2 min read

GUMAWA RIN KAYA NG PANUKALA ANG SENADO NA I-BAN SA ‘PINAS ANG MGA U.S. SENATOR NA KAMPI KAY SEN. DE LIMA? —Naipasa na ang panukala ni U.S. Sen. Richard Durbin na i-ban o huwag payagang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng gobyerno na may kina­laman sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima dahil ang paniniwala ng mga U.S. senators ay “bogus” ang isinampang kaso sa senadora.

Naku, baka dahil d’yan ay rumesbak ang mga kaalyadong sena­dor ni P-Duterte at gumawa rin sila ng panukalang i-ban din sa Pilipinas ang mga U.S. senators na kampi kay Sen. De Lima, boom!

◘◘◘

TROPANG DUTERTE, BANNED NA SA TATE—Ang pag-banned ng Amerika na makapasok sa kani­lang bansa ang may kinalaman sa pagpapa­kulong kay Sen. De Lima ay walang epekto kay P-Duterte dahil noon pa man ay sinabi na niyang wala siyang planong pumunta ng U.S.

Ang isyung ‘yan ay bad news sa mga katropa ng pangulo kasi hindi na sila makapagbabakas­yon-grande sa Tate, ha-ha-ha!

◘◘◘

HIRIT NI MAGA­LONG VS. TROPA NI GEN. ALBAYALDE, SABLAY—Sablay ang idinakdak sa Senado ni Baguio City Mayor ex-CIDG Director Benjamin Magalong sa ginawa nitong pagsa­sangkot sa ilegal na droga sa mga dating tauhan ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde noong provincial director pa ito (Albayalde) ng Pampanga.

Mismong si Napol­com Vice-Chairman Rogelio Casurao ang nagsabi na inabsu­welto na ng korte ang drug case na isinampa ng mga tauhan ni ex-PNP Chief Gen. Allan Purisima sa mga tauhan ni Albayalde. Ibig sabihin, inintriga lang siya (Albayalde) noon para masibak bilang Pampanga PNP provincial director, period!

◘◘◘

PAGBUHAY SA DRUG CASE SA MGA TAUHAN NI GEN. ALBAYALDE, MAY KINALAMAN SA PUWESTONG NEXT PNP CHIEF? —Si Gen. Albayalde ay magreretiro na ngayong Nobyembre 2019 at isa sa mga posibleng dahilan kaya muling binuhay ni Magalong ang kasong kinasang­kutan sa ilegal na droga ng mga tauhan ng PNP chief kahit sila ay inabsuwelto na ng korte ay may kinala­man sa susunod na PNP chief.

Hindi kaya diskarte lang ito ng tropa ni Magalong para ang “manok” nila sa pagka-PNP chief ang piliin ni P-Duterte at hindi ang “manok” ni Gen. Albayalde? Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page