top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Empleyado, niratrat ng mga armado

Pabs Hernandez III
Sep 28, 2019
1 min read

Leyte—Patay ang isang empleyado nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa bayan ng Alang-alang.

Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jose Cedric Saavedra, residente ng Bgy. Binangtoan sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay ng motorsiklo si Saavedra at pauwi na sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Matapos tiyaking patay na si Saavedra ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo sa pagpatay sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page