Bagyong Onyok, hahataw
- V. Reyes
- Sep 28, 2019
- 1 min read

Isa nang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,410 kilometers east sa bahagi ng Visayas bandang alas-10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksiyong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok ang tropical depression sa loob ng bansa sa susunod na 24 hanggang 36 oras at tatawagin itong Bagyong Onyok.





Comments