Sen. Lacson, never babawiin ang ibinulgar na pork barrel ng mga Cong.
Ayon sa mga mambabatas mula sa House of Representatives, kailangang humingi ng paumanhin si Sen. Panfilo “Ping” Lacson para sa kanyang pahayag hinggil sa umano’y karagdagang pondo o “pork barrel” para sa mga kongresista.
Pinabulaanan ni Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro sa kanyang talumpati ang mga pahayag at paninira raw ni Sen. Lacson sa Kongreso.
Matatandaang, nagpahayag si Sen. Lacson na ang 22 deputy Speakers sa lower chamber ay makatatanggap ng P1.5 bilyon habang P700 milyon naman para sa iba pang kongresista.
Nanindigan si Sen. Lacson sa kanyang mga ipinahayag dahil hindi lang daw isa ang pinanggalingan ng kanyang impormasyon tungkol dito.
Magbabanggaan ba ang mga taga-Senado at Kongreso? Kahit kailan, masalimuot na isyu talaga ang “pork barrel”, lalo na at maraming ‘impormasyon’ ang nagsasabing malaking bahagi nito ay naibubulsa lang ng mga mambabatas kaya ipinagbawal na lang ng Korte Suprema.
Pero tila ngayon ay may “creative strategy” para ibalik ito kaya may mga nagbabantay para hindi na ito maulit pa.
Kung totoo man ang mga ipinahayag ni Sen. Lacson, sana ay huwag matuloy ang mga maiitim na balak ng mga ‘buwaya’.
***
Kaugnay sa ulat na matapos ang 19 taon ay nagbalik ang polio, patuloy pa rin ang pagkumbinse sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak sa lalong madaling panahon.
Patuloy ang panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na siguraduhing napabakunahan ang kanilang mga anak hindi lang para sa polio kundi para sa ibang bakuna na pangontra sa sakit sa unang taong gulang ng mga bata.
Nakalulungkot na muling bumalik ang sakit na ito. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang bakuna. Huwag nating isugal ang kalusugan ng ating mga anak dahil lamang sa ‘isyu’ na ginawa ng mga taong hindi naman eksperto sa medisina.





Comments