Pacman Exhibition Game at Athletics vs. Tigers, abangan

International game na ang sasabakan ng Maharlika Pilipinas Basketball League ngayong Biyernes sa paghaharap ng Batangas Athletics at ng Davao Occidental Tigers sa regular game ng Lakan Season sa Hamdan Sports Complex sa Dubai.
Dumating na kahapon sa UAE ang Athletics, maging si CEO founder Manny Pacquiao at MPBL contingent habang ang Tigers naman ay noong Miyerkules dumating.
Kasama ng Athletics ang Imus Khaleb Shawarma Bandera na maglalaban sa Sabado.
Parehong ang Athletics at Tigers ay may huling tatlong panalo, bagamat ang Tigers ay may 13-2 record, ang top seed sa South division ng 31-team league.
Nasa roster ng Athletics si actor Derek Ramsay na may 9-4 slate, ika-4 sa division sa likod ng No. 2 Bacoor Strikers (13-3) at ang No. 4 General Santos Warriors (11-5).
Key players sina veteran Mark Yee, Yvan Ludovice, Billy Robles, Emman Calo at Chester Saldua ng Tigers, ang South division champions sa MPBL Datu Cup.
Pangungunahan ni Pacquiao ang MPBL selection kontra local squad sa exhibition game kasunod ng Batangas-Davao Occidental game.





Comments