P5 dagdag-presyo sa LPG
- Gina Pleñago
- Sep 27, 2019
- 1 min read

May napipintong pagtaas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) kaya payo ng Department of Energy (DOE) sa publiko, bumili na bago magtapos ang Setyembre.
Ayon sa DOE, posibleng tumaas ng P5 kada kilogram ang presyo ng LPG sa susunod na buwan.
Posibleng aabot umano sa mahigit P700 ang kada tangke sa Oktubre kumpara sa P600 mahigit na presyo nito ngayong buwan.
Ang nasabing taas-presyo ay epekto pa rin umano sa nangyaring pag-atake sa oil facilities sa Saudi Arabia.
Samantala, tuwing katapusan ng buwan ipinatutupad ng mga oil companies ang paggalaw sa presyo ng LPG.





Comments