top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nationwide tigil-pasada, kasado na

Vyne Reyes
Sep 27, 2019
1 min read

Wala na umanong balak iatras ang ikinasang nationwide na tigil-pasada sa Lunes, Setyembre 30.

Sa kabila ito ng apela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huwag ituloy ang transport strike at ang babala na maaaring maharap sa suspensiyon o pagkansela ng kanilang prangkisa.

“Tuloy na ito, wala na pong atrasan, bumagyo, lumindol o ano pa man. Ang nationwide transport strike sa Lunes ay kasadung-kasado na, hanggang sa probinsiya, ang lahat po ay nakalarga na at handa na,” pahayag ni Dindo Rosales ng Alyansa Kontra PUV phaseout sa pulong-balitaan sa Kamara.

Ayon kay Efren de Luna, national president ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), hindi sila tutol sa modernisasyon at sa agarang pag-phaseout ng mga jeep at UV Express sa Hulyo 2020.

Umapela naman si Jun Magno ng Stop and Go Coalition kay Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan ang apela ng kanilang hanay na ibasura na ang planong phaseout ng mga lumang pampublikong sasakyan na nakapaloob sa modernization program ng Department of Transportation (DOTr).

“Ito ay hindi para pahirapan ang mamamayan. Kami ay humihingi ng paumanhin sa ating mamamayan, kailangan lang po naming gawin ito para makarating sa ating pangulo,” ani Magno.

Nauna nang naghain ng House Bill 4823 si Democratic Independent Workers’ Association (DIWA) Rep. Michael Aglipay upang dahan-dahang ipatupad ang modernisasyon ng public utility vehicles sa loob ng tatlong taon.

Pinabibigyan din ng P500,000 financial aid at mas magaan na pautang ang mga apektadong tsuper o operator ng modernization program.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page