Nanlabang tulak, tepok sa drug-bust
QUEZON — Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dalahican, Lucena City. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ricardo Villarante, nakatira sa nabanggit na barangay.
Batay sa imbestigasyon, nagsagawa ng drug-bust operation ang pulisya at nang mahalata ni Villarante na mga awtoridad ang kanyang ka-drug deal ay agad nitong pinagbabaril ang mga operatiba.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok na ikinamatay ng suspek. Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at baril sa tabi ng bangkay ni Villarante.





Comments