top of page
Pokwang.jpg

Mayor sa Norte, P2 milyon ang kita sa jueteng, araw-araw

Pasaway Spotted
Sep 27, 2019
1 min read

Jeff T. / Pasaway Spotted

Namumula na naman umano ang hasang ng isang alkalde at kanyang mga alagad matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng operasyon ng mga Small Town Lottery (STL) sa bansa. Siyempre, tuloy ang ligaya sa pagpasok ng umaapaw na grasya mula sa jueteng na namamayagpag pa rin umano sa isa sa mga lalawigan sa Central Luzon (na kapitbahay ng Tarlac, Pampanga at Bataan).

Abot hanggang Baguio City ang ngiti ng alkalde pati na ang kanyang katropang negosyante na si “Ginoong Arce” at bagman na si alyas Arnel dahil umano sa masaganang kita ng jueteng.

Nagiging front umano ang STL ng malawak na operasyon ng jueteng sa probinsiya ni mayor.

Nakow, ayaw ng pangulo na may ganyan! Naulinigan ng rumarampang magtataho sa lugar ni mayor na aabot sa P2 milyon araw-araw ang nakukubra sa jueteng operation! Iba rin naman ang raket!

Ang reyalidad, hindi naman talaga nawala ang jueteng sa bansa kahit pa anong tumbling ng gobyerno at gawing legal ang ibang sugal.

Hangga’t maraming Pinoy ang umaasa sa suwerte na manalo nang malaki sa jueteng, maraming katulad ni Mayor ang happy forever!

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page