top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Fisher Mall, nasunog

V. Reyes / M. Alfonso / M. Santos
Sep 27, 2019
1 min read

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng natupok sa sunog sa loob ng Fisher Mall sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Quezon City Fire Bureau, sumiklab ang apoy bandang alas-11:00 ng gabi mula sa receiving and dispatching unit (RDU) area ng nasabing mall.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang fireout alas-12:41 ng Huwebes ng hatinggabi.

Ayon sa sekyu ng mall, nagkaroon umano ng pagsabog sa isa sa mga transformer sa likod ng mall.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente dahil wala nang mga tao sa mall nang mangyari ang sunog.

Samantala, siyam ang sugatan sa sunog sa isang dormitoryo, kahapon ng tanghali sa Sylvia corner San Marcelino Sts., Ermita, Manila. Alas-12:48 ng tanghali nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma at idineklarang fireout alas-3:58 ng hapon.

Kaugnay nito, napilitan ang Adamson University na suspendihin ang klase. Nakilala naman ang isa sa mga nasugatan na si Fire volunteer Ruel Nado na nahulog sa bubong.

Nasa 15 pamilya naman ang nawalan ng tirahan matapos ding sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Navotas City, Miyerkules ng gabi.

Bandang alas-10:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa kuwarto sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Bgy. Tangos. Alas-11:14 ng gabi nang ideklarang fireout kung saan isang babae ang nasugatan.

Agad namang nagpaabot ng tulong si Mayor Toby Tiangco sa mga pamilyang nasunugan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page