top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Barya-baryang sukli sa supermarket, hindi ibinibigay ng kahera, iniipon pala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 27, 2019
  • 2 min read

Nakatanggap tayo ng reklamo mula sa mga kababayan nating naggo-grocery sa sikat na supermarket kung saan ang kahera ay hindi raw nagbibigay ng barya-baryang sukli sa mga ka-Bulgar natin.

Ayon sa reklamo, masungit ang natiyempuhan nitong kahera na kung anu-ano ang itinatanong sa kanyang mga pinamili nang siya ay magbabayad na.

Buong perang papel ang ibinayad ng biktima na bagama’t, sinuklian siya, ang natirang barya sa sukli ay hindi raw ibinigay dahil ang katwiran ng kahera, wala siyang coins na panukli. Aba, kung maka-50 o 100 kostumer ang kahera sa buong maghapon, magkano kaya ang aabutin ng maiipon nitong pabarya-baryang sukli?

Kaya ang wais nating ka-Bulgar, pilit na hiningi ang kanyang baryang sukli at ‘yun, napilitan ang tindera na ilabas ang itinatago lang pala nitong barya. Ito ang isa pang modus. Imbes na pera ang isukli sa mamimili ay candy ang ibinibigay.

Nanangkupooo, alam ba nilang kapag nag-accumulate ang mga barya ay para na ring hinoldap ang mga kaawa-awang mamimili? Pwe!

Ito ang nabuking na raket ng ilang kahera na pinagnanasaan ang pera ng mga kababayan nating nagtitipid sa kaunting budget na dala nila, pero dudugasin lamang ng mga balasubas na kababayan natin. Kung hindi mo pa tatarayan, tiyak na ngising-aso lang siya dahil nakaisa sa biktima. Kahit barya lang ‘yan kapag dumami, malaking pera rin ‘yan, ‘di ba?

Tinatawagan natin ng pansin ang mga may-ari ng mga mall na turuan nilang maging tapat ang kanilang mga kahera sa mga ganitong sitwasyon para tuluyan pang tangkilikin ang inyong negosyo at posible pang maikuwento ang magandang pag-uugali ng mga kahera sa kapwa nila mamimili.

Sa susunod, sino itong parak na may ranggong PEMS sa MPD na tumatanggap daw ng P3K kada linggo na abusado sa kanyang tungkulin? Ikaw kaibigan, ano’ng sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko! Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page