top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

39 Chinese, nalason sa sugalan

  • BRT
  • Sep 27, 2019
  • 1 min read

Dinala sa ospital ang aabot sa 39 Chinese nationals na nagtatrabaho sa itinatayong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Kawit, Cavite matapos ang hinihinalang food poisoning.

Sa panayam kay Police Col. William Segun, dinala ang mga biktima sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City.

Pawang mga manggagawa ng First Orient International Ventures ang Chinese nationals.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-almusal ang mga biktima sa canteen ng kumpanya subalit, makalipas ang ilang oras, dumaing na ng pananakit ng tiyan ang mga ito kaya agad silang dinala sa ospital.

Inaalam pa kung ano ang kinain ng mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page