Problemadong pagsasama ng mag-asawa, kahulugan ng jelly at sirang ilaw
Salaminin natin ang panaginip ni Nep ng Nep_ Maccip@facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako ng jelly. Tapos, nanaginip din ako na ayaw mabuksan nu’ng ilaw sa tindahan, tinawag ko ang asawa ko para ayusin ang ilaw at ang sabi niya, “wait lang.”
Nagising na ako pagkatapos nu’n. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay, Nep
Sa iyo Nep, Ang jelly ay hindi solid o liquid. Kapag ito ay napanaginipan, ang nanaginip ay pinaniniwalaang magulung-magulo ang isipan.
Kumbaga, may ayaw siyang paniwalaan pero gusto rin niyang paniwalaan.
Ang jelly ay nagsasabing, nalilito ka sa buhay mo ngayon.
Ang isa mo pang napanaginipan na ayaw mabuksan ang ilaw ay nagsasabing, buksan mo ang iyong isipan dahil ikaw ang ilaw ng tahanan.
Kapag sinabing “buksan ang isipan,” ibig sabihin, lawakan mo ang pang-unawa at ang galit o sama ng loob ay hindi dapat maghari sa iyo.
Ito rin ay nagpapayo na piliin mo ang kaayusan kaysa sa gulo.
At dahil haligi ng tahanan ang mister mo, hindi niya maibibigay ang liwanag na kailangan mo dahil muli, ikaw ang ilaw ng tahanan.
Ayon sa iyong panaginip, may mga bagay na dapat ayusin sa inyo ng asawa mo at ito ay nagsasabing, ikaw lamang ang makaaayos nito.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments