top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PHL Triathletes, handa sa SEAG; Sports Center, dagdagan pa

  • MC
  • Sep 26, 2019
  • 2 min read

Nagkampeon ang Pinoy triathletes sa nakaraang 2 edisyon ng Southeast Asian Games.

Kaya naman pakay nina Cebuano teenager Andrew Kim Remolino at John Chicano na katawanin ang bansa sa men’s individual race habang sina Kim Mangrobang at Kim Kilgroe ang pambato para ng local triathlon Association Women’s Division.

Samantala, karagdagang mga world class na pasilidad, sports center ang magiging tugon ng bansa upang magkaroon ng matatag na sports grassroots program sa hinaharap at makamit ng Pilipinas ang mala-world class level na kompetisyon gaya ng triathletes.

Iyan ang iginiit ni Senador Sonny Angara, chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at kilalang taga-suporta ng Philippine Sports, na kailangang makapagpatayo ng pampalakasang sentro sa kanyang pagdalo sa ginanap na 1st Professional Sports Summit na inorganisa ng Games and Amusement Board (GAB) sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa PICC.

Ibubuhos aniya ni Angara ang kanyang pagsuporta upang maisulong ng GAB at ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga programa para mapataas ang competitive level ng atletang Pinoy at makamit ang pagiging ‘world-class’.

Si Angara ang author at sponsor ng RA 10699 o mas kilala sa tawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act; pati na ang RA 11214 o ang Philippine Sports Training Center.

Nanawagan si Angara sa lahat kabilang na ang mga nasa gobyerno o sa pribadong sektor, eskuwelahan, mga kompanya, guro at mga negosyante, pamilya at mga kaibigan na hangga’t maari ay maghanap ng susunod na Manny Pacquiao o Hidilyn Diaz. “Every portion of our society must be ready to help the next Filipino superstar athlete train and improve their craft. Because as just as it takes an entire village to raise a child, it takes an entire nation to train an Olympic medalist.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page