Para sa mas kalidad na edukasyon — P-Digong.. Foreign Universities, pasok!

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para mas mapalawak ang access ng mga Pilipino sa mas kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng transnational higher education programs.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11448, tinukoy ito bilang mga uri ng distance education o study-abroad programs at iba pang kahalintulad na programa.
Inaatasan ng bagong batas ang Commission on Higher Education sa pamamagitan ng transnational higher education division na bumuo ng national strategy para mahimok ang pagtatag ng mga programa tulad ng academic franchising o pagpapahintulot ng institusyon mula sa bansa na gamitin ang programa nila sa isang paaralan dito sa Pilipinas.
Hinihikayat din ng batas ang pagkakaroon ng international branch campus o kaya online at distance learning program.





Comments