top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagbabawal sa pagmamaneho nang lasing, ‘wag dedmahin

Ryan B. Sison
Sep 26, 2019
2 min read

Sumalpok sa poste, sumemplang sa kalsa­da at nakasagasa, ilan lang ang mga ito sa karaniwang aksidente sa kalsada na kinasasang­kutan ng mga drunk driver.

Base sa datos ng Metropolitan Manila De­velopment Authority (MMDA), mayorya ng aksidente sa kalsada ay dahil sa pagmamaneho nang lasing at base sa datos, 10,000 katao ang namamatay dito, taun-taon.

2013 nang nilagdaan ang Republic Act No. 10856 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act at maraming natuwa dahil anila, mababawasan na ang mga aksidente sa kalsada, gayundin ang mga lasing at iresponsableng drayber.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak ay maaaring makumpiskahan ng lisensiya, ma­kulong nang tatlong buwan at magmulta ng P20, 000 hanggang P500, 000.

Gayundin, kapag ang drunk driving ay hindi magreresulta sa physical injuries, magmumulta ng P20,000 hanggang P80,000 ang drayber, ka­pag naman magreresulta ito sa physical inju­ries, ang multang ipapataw ay P100,000 hang­gang P200,00 at kung ito ay nauwi sa homicide, P300,000 hanggang P500,000 ang multa.

Layon ng batas na mabawasan ang mga aksidente sa kalsada at senglot na drayber pero sa halip na mabawasan, bakit tila dumami pa?

Sa totoo lang, napakabigat ng parusa kung lalabag sa naturang batas pero, bakit tila wa’ paki rito ang marami?

Wala bang ngipin ang batas at mahigpit lang itong ipinatutupad kapag may mga aksidente?

Panahon na naman ng mga reunion at Christ­­mas Party kaya siguradong kaliwa’t ka­nan ang inuman kaya siguro, napapanahon na para paigtingin ang naturang batas.

Huwag nating hayaang dumami pa ang bilang ng mga nasasaktan at namamatay dahil sa kapabayaan ng iba bago ito mahigpit na ipatupad.

Pakiusap sa publiko, kung gusto ninyong uminom, okay lang pero sana, huwag kayong magmaneho kung hindi ninyo kaya dahil may iba pang paraan para makauwi.

At ang panawagan sa mga awtoridad, pag­papatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act, paigtingin!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page