One year na, sobrang hurt pa rin sa pang-iiwan ng ex-BF… Elise, umaming 'di pa rin kayang makasa
- Janice DS Navida
- Sep 26, 2019
- 1 min read

Dati nang maganda at flawless si Elisse Joson, pero aminado siyang mas na-enhance ang ganda ng kanyang skin at lalong na-boost ang kanyang self-confidence nang ma-try niyang gamitin ang kanyang bagong endorsement na Cathy Doll Ready 2 White Product na one of the leading skincare brands sa Thailand.
Maraming products ng Cathy Doll ang paboritong gamitin ni Elisse to enhance her glowing skin at in fairness, up close and personal sa press launch niya kahapon as the new endorser ng beauty products, kitang-kita naming halos walang pores ang ex ni McCoy de Leon.
Sa hitsura ni Elisse ngayon na blooming na uli, mukhang naka-move on naman na siya sa pakikipag-break ni McCoy.
Nagpakatotoo naman si Elisse nang matanong tungkol dito.
Aniya, sa ngayon, dahil one year na rin silang break, medyo naka-move on na nga siya.
But when we asked her kung ready na ba siyang makatrabaho uli si McCoy, diretsong sinabi ni Elisse na huwag na lang daw muna siguro dahil hindi pa siya handa.
Inamin din ni Elisse na nagde-date na sila ni Jameson Blake pero hindi pa raw siya handang pumasok sa bagong relasyon.
Happy naman siya ngayon sa tinatakbo ng career niya kung saan blessing nga sa kanya ang bagong endorsement na Cathy Doll Ready 2 White na available na sa ilang leading department stores nationwide.





Comments