top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nangmartilyo ng misis dahil sa selos, sumuko na

  • Isko Moreno
  • Sep 26, 2019
  • 1 min read

Sumuko na ang suspek na pumatay sa kanyang sariling asawa sa Tondo noong Lunes ng gabi.

Ang nasabing ginang na minartilyo ng suspek ay empleyado ng Manila City Hall at idinulog ito sa ating opisina kaya nagpahayag tayong magbibigay ng P100,000 kung sino man ang makakatulong na mahanap ang salarin.

Ayon sa suspek at mister ng biktima na si Roderick Capulong na kusang sumuko sa atin, nagawa niya ang krimen dahil sa selos at pagdududa sa kanyang asawa.

Mabuti at nalaman niya ang krimen na kanyang ginawa.

Kaya kayong mga may asawa riyan, huwag basta magpapadalus-dalos at para naman sa mga esmi, huwag masyadong tamang duda at maging selosa sa mister.

Lahat ay nadaraan sa magandang usapan.

◘◘◘

Kamakailan, nagbigay-sulyap tayo sa isang bahagi ng Mehan Garden.

Magandang balita dahil ilang linggo na lang ay maibabalik na ulit ang ganda nito at mapakikinabangan na ng mga taga-Maynila.

Kaya nananawagan tayong sana ay huwag itong gawing ‘motel’ tulad ng nakaugalian noon para mapanatili ang kalinisan nito.

Unti-unti nating ibabalik ang sigla at ganda ng kapitolyo ng bansa, magtulungan tayo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page