Misis mo, Kiko, windang na windang kaya depressed… Sharon, lubog sa P.5 bilyong utang sa tax
- Erlinda Rapadas
- Sep 26, 2019
- 1 min read

Good news para sa amin na nakakaya nang lagpasan ni Megastar Sharon Cuneta ang matinding depression na kanyang pinagdaanan nitong 2019.
Hindi nga biro ang napakalaking problema (financially) na kanyang pinagdaanan. Halos kalahating billion back taxes ang na-overlook ni Sharon sa mga properties na na-acquire niya.
Halos mawindang ang kanyang mundo at hindi alam kung kanino hihingi ng tulong.
Sobrang depressed siya noon kaya kung anu-ano na lang ang kanyang naisip gawin.
Ang dami-dami niyang emote at hugot noon sa kanyang social media account pero sa tulong na rin ng kanyang mahuhusay na lawyers at sa moral support ng pamilya at mga kaibigan, naayos ang malaking pagkakautang ng Megastar.
May nagawa siyang pelikula at malaking concert. May magagandang offers na dumarating pa sa kanya ngayon. Naka-survive na sa depression si Shawie at ngayon, ang dating half billion pesos na pagkakautang niya ay malapit na niyang mabayaran.
Marami siyang real estate properties na puwedeng ibenta kaya naman ang peace of mind at happiness na naging mailap sa kanya noon ay kanya nang nararamdaman.
Tunay na tunay na ang malulutong na halakhak na tatak ni Sharon Cuneta.





Comments