McDaniels ng KaTropa, inilampaso ang Elite

Ipinaramdam agad ng TNT KaTropa ang kanilang lakas matapos nilang ilampaso ang Blackwater Elite, 135-107 sa simula ng kanilang kampanya sa PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Nagpakitang-gilas si import KJ McDaniels upang akbayan ang KaTropa at dominahin ang Elite mula umpisa hanggang sa huli ng laban.
Nangalabaw si McDaniels ng 41 points, 22 rebounds, pitong assists at limang blocked shots para sa KaTropa na sumalo sa top spot ng team standings.
Bumakas si Roger Pogoy ng 22 markers habang may pinagsamang 35 puntos na inambag nina Troy Rosario at Don Trollano para tulungan ang TNT na ikahon ang panalo.
Hindi rin nagpadaig sa opensa si Jayson Castro na inirehistro ang 17 pts. at 12 assists para sa KaTropa. Masaya si TNT head coach Bong Ravena sa inilaro ng kanyang mga bataan pero may kailangan pa rin silang palakasin, isa na rito ang kanilang depensa.
“Yun nga goal namin, depensa, make stops, walang easy layup,” saad ni Ravena. “We’re still trying to work on our game, lalo na sa defense. May mga bago kami so we still need to make adjustments. We have to keep improving.
So many things to work on.” Maging si McDaniels na kahit maganda ang opensa ay kailangan pa ring mag-umento at mabawasan ang mga errors.
“He has to give up the ball early. Dapat hindi masyadong nagtatagal ang bola sa kanya. Sasabihan naman namin,” patungkol ni Ravena sa kanyang import.
Hindi naman nakatulong ang reinforcement ng Blackwater dahil apat na puntos lang ang kinana ni balik import Marqus Blakely. Namuno sa opensa para sa Elite ay si rookie Bobby Ray Parks na nagtala ng career-high 39 points.
Mga iskor: TNT 135 - McDaniels 41, Pogoy 22, Rosario 18, Trollano 17, Castro 17, Vosotros 7, De Leon 5, D. Semerad 4, Magat 4, Washington 0, Carey 0, Casino 0. Blackwater 107 - Parks 39, Maliksi 15, Sumang 14, Belo 12, Digregorio 11, Jose 8, Blakely 4, Alolino 2, Dario 2, Al-Hussaini 0, Cortez 0, Desiderio 0, Sena 0, Quarterscores: 34-19, 63-46, 97-80, 135-107.





Comments