Hamon sa SC: Tunay na VP ng bansa, ilantad na!
DAPAT ILANTAD NA NG SC KUNG SINO ANG TUNAY NA VP—Dahil tapos na ang pagbilang ng mga balota sa election protest ni ex-Sen. “Bongbong” Marcos laban kay Vice-Pres. Leni Robredo, ang paniniwala ng dilawan ay si VP Leni ang nanalo, pero ang paniniwala naman ng mga loyalista, si BBM ang nagwagi.
Para matapos na ang bangayan sa pagitan ng mga dilawan at loyalists, dapat nang isapubliko ng Supreme Court (SC) na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (PET) kung sino ang tunay na VP ng bansa, period!
◘◘◘
NAGKAMALI YATA SI P-DUTERTE SA PAGSUPORTA KAY CAYETANO PARA MAGING SPEAKER—Bukod sa nagka-”pork barrel” na naman ang mga kongresista, naglagay pa si Speaker Alan Peter Cayetano ng sangkaterbang deputy Speakers sa Kongreso na popondohan din ng taumbayan.
Tila nagkamali si P-Duterte sa pagsuporta kay Taguig City Rep. Cayetano para maging speaker, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
POSTPONEMENT NG BGY. AT SK ELECTIONS, BAKA MATULAD SA SECURITY OF TENURE NA IBINASURA NI P-DUTERTE?—Kahit aprub na sa mayoryang senador at kongresista ang postponement ng Barangay at SK Elections sa May 2020 ay hindi pa rin dapat pakasiguro ang mga incumbent Barangay at
SK officials na hindi matutuloy ang eleksiyon next year kasi hindi pa ito napipirmahan ni P-Duterte.
Baka matulad ‘yan sa Security of Tenure Bill na ginawa ring “priority bill” ni P-Duterte, pero nang aprubahan ng mga mambabatas, hindi pinirmahan at ibinasura lang ng pangulo, boom!
◘◘◘
DAPAT GAYAHIN NG IBANG ALKALDE ANG AKSIYON NI MAYOR ISKO LABAN SA “ONLINE SABONG” —Ipina-raid at ipinasara ni Mayor Isko Moreno ang mga operasyon ng “online sabong” sa Maynila.
Tama ang naging aksiyon ni Mayor Isko kasi ang dami nang nalululong dito. Kailan kaya tutularan ng ibang alkalde ang aksiyon ni Mayor Isko laban sa “online sabong”? Abangan!





Comments