'Di na kinaya ang trauma… Yeng, kumonsulta sa Doktor sa pag-iisip
- Ronalyn Seminiano
- Sep 26, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Magpapahinga muna sa paggamit ng social media ang singer na si Yeng Constantino dahil sa nangyaring aksidente sa asawa niyang si Yan Asuncion matapos itong mag-cliff diving sa Siargao.
Dahil sa insidente, sangkatutak na bashing ang naranasan niya mula sa mga tao at sa mga netizens dahil sa naging issue niya sa isang doktor sa Siargao na noong July 11 ay sinabi niya ang sama ng loob niya rito sa pamamagitan ng vlog sa umano’y hindi maayos na pagtrato nito sa kanyang injured na asawa.
Aniya, “It’s my first time to be bashed that much, so na-culture shock ako.
Pero sobrang hilig ko sa social media. After what happened to me, sobra akong na-homesick din kasi nami-miss ko na ang social media pero I decided to stop for a while.
“Minsan kasi akala mo, kaya mo. Pero I just want to be honest kasi hindi ko pala kaya ‘yun,” dagdag pa niya.
Dahil sa matinding trauma na naidulot ng mga netizen ay natatakot na si Yeng kahit sa mga logo ng mga social media flatforms katulad ng Twitter, Facebook, maging ng YouTube.
Sabi niya, “‘Pag nakakakita ako ng YouTube logo, minsan kinakabahan ako, eh. Kinakabahan ako ‘pag nakakakita ako ng Twitter logo. Sinabi ko ‘yun sa psychologist sa Magandang Buhay.
‘Alam niyo po ‘pag nakakakita ako ng logo ng YouTube, Twitter at Facebook, kinakabahan ako.’ Sabi niya, ‘Maganda ‘yan ginagawa mo na nagpapahinga ka, kasi nagulat ka, eh.’”
Dahil first time lang niyang ma-bash ng ganu’n katindi, super dinibdib ng Kapamilya singer ang nangyari.
“Matagal na po ako sa industry. It’s been 12 years and at times you feel like you’re so strong.
‘Pag isa-isang bash, wala kang reaction, pero ‘pag dumating pala, parang, what? Bulto talaga, so parang hindi mo alam kung ano’ng gagawin mo.
So you’re being vulnerable siguro. I really felt so sad and also shocked. Social media is really powerful.”
Ngayon ay nasa moving on process pa rin ang singer at ang mister nito at sinusubukang harapin ang buhay nang maayos.
Sabi ni Yeng, “After the Siargao accident, mas nag-pursue siya ng healthier na lifestyle.
Parang sabi niya, ‘ang short ng life,’ so parang gusto niya mag-marathon siya.
First, nag-10 kilometer run siya sa UP and then yesterday sa Mall of Asia, tumakbo siya ng 21 kilometers, first time niya ever.
So nakakatuwa naman to see him flourishing.”
Pangkasalukuyang pinananatili ni Yeng ang sarili na maging busy at in fact, kahit tutok siya as one of the hurados ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ay sasabak na rin sa big screen ang singer para sa pelikula ng TBA Studios na Write About Love, starring Rocco Nacino, Miles Ocampo at Joem Bascon.





Comments