top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

10-anyos nilagnat, namaga ang lalamunan, dedo

  • Mylene Alfonso
  • Sep 26, 2019
  • 1 min read

Kinukumpirma pa ng Manila Health De­part­­ment kung sa sakit na diphtheria ang ikina­matay ng 10-anyos na batang lalaki sa Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Dr. Edgar Santos, dinala ang bata sa Sta. Ana Hospital noong Biyer­nes pero, agad ding namatay.

Ilang araw na umano itong nilalagnat at na­mamaga ang lalamunan na sintomas ng diphtheria.

Sa kabila nang hindi pa ti­yak na sa diphtheria nama­tay ang bata, nanawagan si Santos sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para hindi kapitan nito.

Sinabi rin nito na naka­kahawa ang diphtheria lalo na pag-umubo at sa mga gamit na nahawakan ng kon­taminado ng sakit.

Samantala, sinabi ni DOH Medical Specialist Anthony Calibo, mayroon na ring naiulat na kaso ng diphtheria sa ilang rehiyon kabilang ang Cordillera Ad­ministrative Region (CAR).

Ito ay isang seryosong bac­terial infection sa lalamu­nan, dila at ilong. Nabatid na ang diphtheria ay isang sakit na maaaring magdulot ng heart failure da­hil napipinsala ng toxins nito ang puso, utak at kidney.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page