Tibo, tiklo sa P3 milyong shabu

Aabot sa mahigit P3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Drug Enforcement Team ng Cavite Provincial Intelligence Branch sa isang LGBT at kasama nito sa isang malawakang drug-bust kahapon ng madaling-araw sa loob ng isang subdivision sa Imus, Cavite.
Kinilala ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. William Segun ang mga suspek na sina Nariman Unte alyas Tomboy, 30, residente ng Bgy. Anabu 2F, Imus City, target ng operation at ang kasama nitong si Al Hamid Lambitan, 25, residente ng Bgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City.
Isang malawakang Anti-Illegal Drug Bust Operation ang ikinasa ng Drug Enforcement Team ng Cavite Provincial Intelligence Branch, PDEA Cavite at Imus Police, alas-12:30 ng hatinggabi sa Golden City Subdivision kung saan nakatira ang target.
Isang police officer ang umaktong scorer at nakipag-deal sa suspek at nang magpositibo ang abutan, dito na ito pinaligiran ng pulisya at nakuha sa mga ito ang may apat na bulto ng plastic na naglalaman ng shabu na may timbang na mahigit sa 400 gramo at tinatayang aabot sa humigit-kumulang sa 3 milyong piso.
Nakuhanan din ang mga ito ng drug paraphernalias kabilang ang hi-tech na timbangan.





Comments