top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Taniman ng marijuana, buking

Levi Gonzales
Sep 25, 2019
1 min read

Nabulgar ang isa sa malaking taniman ng mari­juana sa MGR Ilaya, Mala­banban Norte, Candelaria, Quezon.

Alas-5:15 ng hapon nang madiskubre ng mga awto­ridad sa tulong ng mga im­pormante ang 72 puno ng marijuana.

Ayon sa caretaker ng lupa, hindi umano nila alam ang nasabing taniman na pag-aari ng suspek na si Charles Altomonte, kapatid ng may-ari ng bahay na na­ninirahan sa Alabang, Mun­tinlupa City.

Itinanim umano ito noong June 2018 at nakapag-har­vest na ng nasa 68 puno ni­tong August at September.

Tinimbang muna nila ito at umabot sa eksaktong 2,100 gramo bago tuluyang dinala sa laboratory para sa pagsusuri.

Kinasuhan ng paglabag sa ilegal na droga ang suspek na kasalukuyang pi­nag­haha­nap ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page