Resbak sa bigtime oil price hike.. P15 pasahe sa jeep

Inihihirit na mula P9, gawin nang P15 ang pasahe sa jeep kasunod ng bigtime oil price hike na umarangkada kahapon.
Umabot sa P2.35 kada litro ang dagdag sa gasolina, P1.80 kada litro sa diesel at P1.75 kada litro sa kerosene na isinisisi sa pagpapasabog sa oil facilities ng Saudi Arabia. Nanawagan ang ilang jeepney drivers na taasan na ang pasahe dahil wala na umanong natitira sa kanilang kita.
Samantala, tantiya ng gobyerno, bababa naman ang presyo ng petrolyo sa bansa sa susunod na linggo matapos ianunsiyo ng Saudi Arabia na maibabalik na nila sa normal ang produksiyon ng langis.





Comments