top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P6 million cocaine, nalambat sa dagat

  • Jeff Tumbado
  • Sep 25, 2019
  • 1 min read

Nalambat ng mga mangingisda ang isang kilo ng high grade cocaine habang ito ay palutang-lutang sa ka­­ra­gatang sakop ng Basilan.

Tinatayang nasa P6 mil­yon ang natagpuang kontra­bando na nakabalot sa cello­phane.

Sinabi ni Basilan Police Chief Col. Rufino Inot, na­kita ang ilegal na droga ha­bang palutang- lutang sa da­gat sa pagitan ng Bgy. Langil at Linungan sa Mohamad Ajul.

Agad itong ipinarating ng mga mangingisda sa pu­lisya. Inaalam pa ang pinang­galingan ng cocaine at ang mga taong nagtapon nito sa dagat.

Napag-alaman na nag-alok na ang lokal na pama­halaang lungsod ng P10,000 sa bawat cocaine na mai-turnover sa pulisya.

Nai-turnover na rin ng Mohamad Ajul Municipal Police ang narekober na co­caine sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforce­ment Agency-Region 9.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page