Mga Cong., abusado sa pondo ng bayan
FEELING NG TROPA NI SPEAKER CAYETANO, SILA ANG MAY-ARI NG PONDO NG BAYAN—Base sa ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, hindi lang tig-P100 milyong “pork barrel” ang isiningit ng tropa ni Speaker Alan Peter Cayetano sa P4.1 trillion 2020 National Budget kundi tig-P700 milyon daw kada kongresista at humirit pa raw ng P1.6 bilyon dagdag-budget ang kasalukuyang liderato.
Hay, naku, feeling ng mga kongresista, sila ang may-ari ng pondo ng bayan at ang palusot ni Speaker Cayetano, hindi raw ito “pork” kundi pam-”projects” daw ng mga mambabatas, pwe!
◘◘◘
NGAYONG PANAHON NI SPEAKER CAYETANO, SANGKATERBA ANG DEPUTY SPEAKERS—Ang mandato ng deputy Speaker ay kapag absent ang Speaker, siya ang aakto sa posisyon nito.
Mula 1st Congress (1946) hanggang 9th Congress (1995), tig-1 lang ang deputy Speaker; noong 10th Congress (1995-1998) naging 2; 11th Congress (1998-2001), 5; 12th Congress (2001-2004), 4; 13th Congress (2004-2007), 5; 14th Congress (2007-2010), 5; 15th Congress (2010-2013), 6; 16th Congress (2013-2016), 6; 17th Congress (2016-2019) dumami at naging 14 at ngayong 18th Congress sa pamumuno ni Speaker Cayetano, sangkaterba na ang deputy speakers dahil 22 na silang lahat, boom!
◘◘◘
BIGTIME ANG ITINAAS NA PRESYO NG PETROLYO, BIGTIME RIN ANG ITATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN—Big- time ang itinaas na presyo ng produktong petrolyo kung saan P1.80 ang idinagdag sa diesel at P2.30 naman sa gasolina.
Dahil d’yan, asahang bigtime rin ang itataas na presyo ng mga bilihin, hu-hu-hu!
◘◘◘
ANG DAMING DROP BALLS SA JURISDICTION NI NUEVA VIZCAYA COL. SAAVEDRA—May puwesto-piho raw na raket na drop balls sa Bgy. Caloocan; NVAT Public Market at Kunyangan St. sa Bambang at Bgy. Poblacion, Solano, pawang sa Nueva Vizcaya.
Kailan kaya ipatotokhang ni Nueva Vizcaya Director Col. Richard Saavedra ang mga manraraket sa kanyang jurisdiction? Abangan!





Comments