top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

May sakit o may bisyo? Pepe Herrera, balik-tv shocking ang hitsura sa sobrang payat

Julie Bonifacio
Sep 25, 2019
2 min read

Nagulat ang televiewers sa hitsura ng dating isa sa mga “sidekick” ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Pepe Herrera sa guesting niya sa “Magandang Buhay” noong Lunes. Grabe ang pagkapayat ng hitsura niya sa TV screen.

Humpak na humpak ang kanyang mga pisngi at halos lumuwa na sa laki ang kanyang mga mata. Ewan kung overwork ba siya dahil ang dami-dami niyang projects at mukhang kulang na kulang siya sa tulog at pagkain.

Para tuloy siyang maysakit sa kanyang hitsura sa TV. Hindi kaya may sakit si Pepe? Or, huwag naman sanang pagdudahan si Pepe na may bisyo siya na ‘di kanais-nais.

Isa sa guests si Pepe sa show nina Jolina Magdnagal, Karla Estrada at Melai Cantiveros dahil ang topic ay tungkol sa pagiging anak na lumaking walang tatay. Bastardo, ika nga.

Bukod kay Pepe, guest din sa “Magandang Buhay” si Maja Salvador na aware naman ang marami kung ano ang kwento ng kanyang buhay at ng yumao niyang ama na si Ross Salvador. Habang naka-relate rin ang isa sa hosts ng “Magandang Buhay” na si Karla tungkol sa topic sa episode last Monday.

Matanda na rin pala si Karala nu’ng nakilala niya ang kanyang ama na isang Amerikano. Na ngayon ay pinamanahaan pa si Karla ng bahay at lupa sa US, huh.

This is the reason kaya madalas kapag wala si Karla sa “Magandang Buhay” at nagpupunta ng Amerika. May mga inaayos siyang properties sa US and at the same time, nakiki-bond na rin sa mga anak ng tatay niyang Amerikano.

Sa dalas na pagpunta ni Karla sa US, we just wonder kung in one or many of her trips doon ay naipakilala na nanay ni Daniel Padilla ang kanyang non-showbiz boyfriend to her relatives sa Amerika.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page