Kabataan, dapat lang sanayin munang mabuti para maging mahusay na lider
- Ka Ambo
- Sep 25, 2019
- 2 min read
Natutuwa tayo sa plano ng Political Officers League of the Philippines (POLPHIL) na magtayo ng Political Leadership Excellence Institute.
Ito ay para isapropesyunal ang mga political officers!
◘◘◘
ISINUMITE na ng POLPHIL officers ang kanilang proposal kay Sen. Manny Pacquiao upang mahasa ang kabataang lider ng bansa.
Ito mismo ang sagot sa kawalan ng ideolohiya ng mamamayang Pinoy!
◘◘◘
NAGSISILBING chairman emeritus ng POLPHIL si MMDA Chairman Danny Lim kasama ang founding president na si Vice-Mayor Aljun Diamante.
Kasama rin sina Rudy Caneda; Carol Schuck Iglesias; Elmer Argano; Ricky Mallari; Arnel Brown; Nato Agbayani at Zan Cabrera!
◘◘◘
SA totoo lang, ang kailangan ng bansa para magkaroon ng epektibong pagbabago ay ang paghahasa sa kabataan at pagmumulat sa ganap na ideolohiyang maka-Pilipino.
Ang China ay nabago nang pamunuan ni Chairman Mao Tse Tung ang tinawag niyang Cultural Revolution!
◘◘◘
PAGYAKAP sa tunay na ideolohiya ang kailangan ng bansa.
Ito ay magagawa lamang kung mulat at bihasa ang lider na kabataan.
Maunawaan sana ng matataas na opisyal ng bansa sa pamumuno ni Sen. Pacquiao ang kahalagahan ng paghahasa sa hanay ng kabataan!
◘◘◘
ANG bulto ng alinmang rebolusyon ay palaging nakapundasyon sa hanay ng kabataan.
Ibig sabihin, dapat bigyan ng direksiyon at malinaw na adhikaing pambansa ang hanay ng kabataan!
◘◘◘
KAILANGANG kumilos ang kabataan sa modernong panahon. Sila ang tunay na nakauunawa at makagagamit ng teknolohiya upang makapagbunsod ng mabilis at epektibong pagbabago sa ating henerasyon.
Ang matatandang lider na may kontrol ng gobyerno ay mabilis na naiiwan at nalilipasan ng panahon.
Dapat nilang ilipat agad ang liderato ng bansa sa hanay ng kabataan bago “mahuli ang lahat” o mapag-iwanan ang Pilipinas!





Comments