Ibinulgar, 2020 budget may pork barrel.. P1.5 Bilyon kada deputy Speakers

Hinamon ni Capiz Rep. Fredenil Castro si Senator Panfilo Lacson na ilantad kung sinuman ang source nito sa impormasyon na may pork barrel na tig-P1.5 bilyon ang 22 Deputy Speakers at P700 milyon naman sa kada iba pang mambabatas sa 2020 budget.
Giit ni Castro, tukuyin at iharap sa Kamara kung sinuman ang kongresistang sinasabi ni Lacson na pinagmulan ng nasabing misinformation.
Pinagpiprisinta rin ni Castro kung sinuman ang source ni Lacson ng ebidensiya na verified at authenticated.
Binigyang-diin ni Castro na bukod sa parliamentary courtesy ay constitutional duty ni Lacson ang alamin kung tama ang impormasyon bago ito ilabas sa media.
Ayon pa sa mambabatas, nasisira ang reputasyon ng Kamara dahil lamang sa mga nakararating sa senador na mga sabi-sabi lamang ng kanyang sources.
Aniya, nakahanda sila sa Mababang Kapulungan na i-scrutinize ng Senado ang kanilang budget at hindi sila naaapektuhan sa mga akusasyon dahil bago ipasa ang P4.1 trillion budget ay tiniyak na wala umano itong pork, parking at lumpsum funds.





Comments