Dalawang Garcia, agawan para makalaban si Pacman


Mas lumilinaw ngayon na malaki ang tsansa na sunod na makakalaban ni 8-division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao ang multiple-titlist na si Mikey Garcia matapos magparamdam ang huli sa kanyang hinaharap na laban.
Sa panayam ng Shobox sa 31-anyos na si Garcia, inamin nito na may inaabangan siyang malaking laban sa susunod na taon at maaaring mabuo na naman ang Philippines vs Mexico rivalry. “I wanna do something before the end of the year and look for something BIG early next year. There’s still a lot more of Mikey Garcia left,” pahayag ni Garcia sa Shobox. “If the fight is available with the right guy, I’ll do 147,” dagdag ni Garcia.
Nitong nakalipas na mga araw ay nagpahayag si MP Promotions president at international matchmaker Sean Gibbons sa mga posibilidad na makalaban ng World Boxing Association (WBA) welterweight champion, kung saan pinagpipilian na lang umano kina Mikey Garcia at Danny Garcia ang haharapin nito sa susunod na taon, ayon sa batikang manunulat na si Michael Benson. (MC)





Comments