7-Eleven hinoldap, P1.3-M natangay
- Levi Gonzales
- Sep 25, 2019
- 1 min read

Tinatayang nasa P1.3 milyong halaga ang natangay ng armadong lalaki matapos manloob sa isang sangay ng convenient store sa Bgy. Pob. B, Rosario, Batangas.
Alas-6:15 ng gabi nang pumasok sa 7-Eleven at nagkunwaring kostumer ang hindi pa nakikilalang suspek saka nagtungo sa kahero bago nagdeklara ng holdap.
Mabilis nitong tinangay ang bag kung saan nakalagay ang pera.
Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng pulisya sa suspek at imbestigasyon sa insidente.





Comments