2 Parties na hindi nagkasundo sa darab, dapat mag-submit ng position paper sa parad
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang epekto ng hindi namin pagkakasundo ng aking inireklamo sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB)? — Nikita
Dear Nikita,
Para sa inyong kaalaman, ang panuntunang naaangkop sa inyong sitwasyon ay ang Section 4, Rule X, ng 2009 Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) Rules of Procedure kung saan nakasaad na:
“RULE X
Preliminary Conference
SECTION 4. Submission of Position Papers. – In case the parties fail to arrive at an amicable settlement of the case or the adjudicator denied the compromise agreement, the adjudicator shall issue an order directing the parties and their counsels to simultaneously submit their respective position papers and formal offer of evidence. The same position papers shall be submitted within thirty (30) days from receipt of the order.”
Malinaw sa nabanggit na panuntunan na sa oras na hindi magkaroon ng kasunduan o hindi aprubahan ng Provincial Agrarian Reform Adjudicator (PARAD) ang nasabing kasunduan, siya ay nararapat mag-issue ng direktiba sa lahat ng partido na magsumite ng kani-kanilang position paper at ebidensiya. Ang nasabing position paper ay nararapat na maisumite sa loob ng 30 araw mula nang pagkatanggap ng partido ng direktiba tungkol dito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments