top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tserman niratrat sa Bgy. Hall, todas

Jeff Tumbado
Sep 24, 2019
1 min read

Personal na alitan ang sinasabing dahilan para pagbabarilin ng isang lalaki ang kasalukuyang barangay chairman sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato, kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ospital si Bong Matalam Bacanna ng Bgy. Kayaga, 43, habang sugatan naman ang kanyang tatlong kasamahan.

Batay sa imbestigasyon, nag-uusap sa harap ng barangay hall ang biktima at mga kasama nito nang pagbabarilin ito ng suspek, alas-9:15 ng gabi. Mabilis na tumakas ang suspek at sumakay sa isang motorsiklong may nakaantabay na driver.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril habang patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page