top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tagumpay ang Philracom-RBHSR

Ding Taboy
Sep 24, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Tagumpay ang unang araw na ginawang Philra­com Rating Based Handicap System Race (RBHSR) sa Metro Turf Club Inc. (MMTCI) sa pagkakapanalo ng kaba­yong inaasahan na magbibigay ng magandang dibidendo.

Sa race 1 nanalo ang kabayong Unlimited Song bilang buwenamano ng winner take all na nagbigay ng dibidendo na P23,451.40 at P9,221.80 sa una at ikalawang WTA. Sa race 2 hindi nagpagiba sa mga kalaban kahit na segundang liyamadong malayo ang Atikupung Sensing ng pakainin ng alikabok ang lahat ng katunggali.

Nagpakita ng husay ang Redmond sa race 3 at Alezzandro sa race 4 na nagbigay ng dibidendo sa trifecta, quartet, pentafecta at super six. Nagpista sa tuwa ng pagkakapanalo ng Hello Junior na nadehado sa bentahan habang nakasi­sigurong puntos ang hatid ng Skymarshall sa pagkakapanalo sa karera.

Maganda ang ibinigay na dibidendo sa pagkakapanalo ng Rosario Princess na nagbigay ng 1st WTA ng P23,451.40 sa race 7. Maganda ang ipinakita ng Havana Oohnana na nagbigay ng P2,973.40 sa pick 6. Ipinakita ng Lockdown ang galing nito na naghatid ng dibidendo sa pick 5 ng halagang P763.40 sa race 9.

Nagpakita ng gilas ang Steadfast of Love sa race 10 na naghatid ng dibidendo sa WTA ng P9,221.80, pagkakapanalo ng Eugene Onegin sa race 11 at Mark of Excellence sa race 12 na naghatid ng magandang dibidendo ng WTA, pick 6 at pick 5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page