P5K hanggang P15K multa sa taxi na walang proper body markings
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Sep 24, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Ano ang kaukulang parusa kung ang pampublikong sasakyan tulad ng taxi ay walang proper body markings? — Kristofer
Dear Kristofer,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Part IV, (4) ng Department of Transportation and Communications-Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad ang parusa kung ang pampublikong sasakyan ay walang proper body markings:
“IV. VIOLATIONS IN CONNECTION / WITH FRANCHISE
TYPE OF VIOLATION / PENALTIES
4. Failure to provide proper body markings: • 1st offense - fine of P5,000 • 2nd offense - fine of P10,000 and impounding of unit for thirty (30) days • 3rd and subsequent offenses - fine of P15,000 and cancellation of Certificate of Public Convenience (CPC) where the unit is authorized”
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments