top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Budget sa DOH at CHED, binawasan para ibigay sa mga cong, buwisit!

Pabs Hernandez III
Sep 24, 2019
2 min read

BINAWASAN ANG BADYET NG DOH AT CHED PARA MAGKA-P100 MILYON ANG MGA CONG. — Inamin ni Speaker Alan Peter Cayeta­no na sa P4.1 trillion 2020 National Budget ay may tig-P100 milyon dito ang bawat kongresista, pero hindi raw ito “pork barrel” kundi pang-“project” ng mga mam­babatas.

Hay naku, kaya naman pala binawasan ng tropa ni Speaker Cayetano ng P10 bilyon ang badyet ng Depart­ment of Health (DOH) at P11.65 bilyon ang Commis­sion on Higher Education (CHED) para magkaroon ng tig-P100 milyon pam-“pro­ject” ang mga kongre­sista, buwisit!

◘◘◘

KAPAG NAGDEK­LARA SI P-DUTERTE NG ‘WAR ON ILLEGAL GAMBLING’, TIYAK NA MASISIYAHAN DIN ANG MGA PINOY — Sa latest survey ng Social Wea­ther Stations (SWS) sa 2nd quarter ng 2019 ay 82% ng mamamayan ang satisfied o nasisiyahan sa “war on illegal drugs” ni P-Duterte.

Aba, dapat yata ay mag­deklara na rin si P-Duterte ng “war on illegal gambling” kasi tiyak na masisiyahan din dito ang mamamayan, lalo na at ang namamayagpag ngayon sa ilang lalawigan ay raket na jueteng at hindi ang legal na STL (small town lottery), period!

◘◘◘

STL SA LAGUNA, TINALO NA NG JUE­TENG — Tulad halimbawa sa Laguna, ang operasyon ng PCSO-STL d’yan ay pina­taob na ng raket na jueteng nina “Edu” sa Sta. Rosa City at Biñan City; “Tita” sa Calamba City; “Amante” sa San Pablo City; “Jason” sa 4th District; “Ocel” sa 3rd District; “Fajardo Brothers” sa 2nd District at “Toce” sa iba pang lugar sa lalawigang ito.

Mantakin n’yo, imbes na sa PCSO mapunta ang kita ng STL na pantulong din sa mga kababayan nating na­nga­ngailangan ng ayuda, eh, sa bulsa pa ito ng mga gamb­ling lord napupunta, pwe!

◘◘◘

LOTTENG AT SAK­LA SA JURISDICTION NI QCPD COL. MON­TEJO — Hindi lang ang STL ng gobyerno ang kinu­kum­pitensiya ng mga ilega­lista kundi pati ang lotto.

Sa Quezon City, bumag­sak ang taya sa lotto dahil kinumpitensiya ito ng raket na lotteng nina “Pinong” at “Ver Bicol”.

At hindi lang lotteng ang namamayagpag sa QC kun­di pati ang pasakla nina “Gas­par”, “Amang” at “Willy” at isang “Jess” daw na nag­pa­pakilalang tauhan ni QC­PD Director Col. Ronnie Mon­tejo ang nagbigay daw ng go-signal sa mga ilegalista na mag-operate ng kanilang illegal gambling sa lungsod, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page